Hunyo na naman… nagsimula na muli ang klase sa mga paaralan… muli na namang headline sa mga balita ang wala na yatang lunas na mga problema kaakibat ng edukasyon sa Pilipinas…
Kulang sa mga school materials, particularly books... isa pang malaking problema ay ang mga sinasabing mali-maling laman ng mga books. Books are one of the major sources of students’ knowledge, but how can students learn if the books they are using are erroneous? Kulang na kulang din ang mga instructional materials, kinakailangan pang kuhanin ng mga guro mula sa kanilang mga sariling bulsa ang pambili ng mga manila paper, pentel pen, etc. na madalas ginagamit sa pagtuturo.
Kulang sa classrooms. Matututo pa kaya ang mga estudyante kung para silang sardinas na nagsisiksikan sa loob ng kanilang mga classroom. Ang ideal class size daw ay 25 students/room pero sa ngayon ay kakaunti na kung 40-50 students/room. May mga paaralan na kulang na lang ay gamitin ang principal’s office na classroom. Ang ibang mga paaralan naman ay sa ilalim ng puno nagka-klase; may paaralan din sa Quezon City na tinayuan na ng classroom ang school ground, kung saan sila nag-f-flag ceremony, para lamang matugunan ang kakulangan sa classroom.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga problema na madalas napapag-usapan lamang sa pagbubukas ng klase. Pagkatapos ng ilang araw, wala na ulit pakialam ang mga tao, lalo pa ang gobyerno. Isang school year na naman ang lilipas na walang pagbabago. Hindi magtatagal, may laban na naman si Pacquiao, mahigit isang dosena na namang pulitiko ang pupunta sa ibang bansa upang “magbigay suporta” sa kanya. Bakit kaya sa halip na live nila panoorin ang laban ni Pacquiao ay pagsama-samahin na lang ang gagastusin nila upang ipagpatayo ng classrooms or ipambili ng mga credible na libro? Malapit na naman ang eleksyon, milyon-milyon na naman ang gagastusin ng mga presidentiables, sa halip na gugulin sa political campaigns ang pera, bakit kaya hindi na lang itulong sa mga paaralang mahigpit ang mga pangangailangan. Hindi na issue kung sariling pera o pera ng bayan ang ginagastos ng mga pulitiko, pero iisa ang sigurado, kayang makapagpatayo ng kahit sampung classrooms ang perang gagastusin nila.
No comments:
Post a Comment