Tuesday, December 16, 2008

1st day of Simbang Gabi

Medyo huli na akong nakauwi kaya't muntik ko ng hindi maabutan ang misa para sa unang araw ng simbang gabi. Sa kabutihang-palad ay inabutan ko pa naman ang pagsisimula ng misa. Ang tema ng sermon ng pari ay: "kalkal" (ito mismo ang salitang ginamit ng pari). Inihalintulad ng pari ang mga tao sa golden buddha ng Thailand na noon ay nababalot ng putik. Gaya ng buddha, umaasa ang pari na ang mga tao matapos ang siyam na araw ng simbang gabi ay natanggal na ang mga putik na sa ating pagkatao at sa pagdating ng paghuhukom ay isa na tayong golden buddha na malinis, maaliwalas, at makinang na haharap sa Diyos.

MERRY CHRISTMAS!

No comments: